Wala talaga akong naisip na pamagat para sa tulang ito. Pero para sa blog na ito, "Sa Pasay" na lang ang ginamit ko.
Eto ang nabuo kong tula:
Sa Pasay
Sa masalimuot na gabing
tinutudyo ng panaginip
ang pagal na utak,
Bumalikwas ang diwa
at nagising akong
nanunuot ang amoy ng imburnal
sa paligid ng masukal na lungsod.
Nagpapahiwatig na kumupas man ang liwanag,
May dulot na ligalig ang nangungulilang dilim.
— Pasay, 9/16/2014