Noong nagpunta ako sa dentista kamakailan lang, eto ang nagpagmuni-munian ko tungkol sa sakit ng ngipin at pag-ibig:
Ang pag-ibig, parang tooth ache.
Kapag masakit, inuman ng Mefanamic Acid.
Kapag may butas, ipa-pasta.
Kapag durog na at masakit,
Ipa-root canal para patayin ang ugat at mawala na ng tuluyan ang sakit.
Kapag bulok na talaga o kaya'y umuuga na,
Saka ipabunot at pagkatapos ay itapon sa bubong at baka sakaling tumubo ulit,
O kaya'y sa basurahan dahil wala ng silbi.
At kung handa ka nang magkaroon ng bago,
Magpagawa ng pustiso para mapalitan ang nawala.
Hindi man orihinal na ngipin ang pustiso, ang mahalaga ay hindi ka na bungi.
Sa simula, may kakaiba kang mararamdaman kapag bagong lagay palang ang pustiso.
Darating ka sa punto na hahanapin mo pa rin ang dati mong ngipin.
Ngunit sa pagdaan ng mga araw, unti-unti ka nang masasanay
Hanggang sa malalaman mo na lang,
Iyung pustiso pala ang magiging daan upang makumpleto kang muli.