Gusto kong subukan. Baka sakaling may magulantang. Kung hindi man mangalisag ang balahibo, baka sakaling tumimo sa isipan. Eto ang anim sa mga naisulat kong tig-dalawang pangungusap ng katatakutan at/o kababalaghan.
Enjoy!
1. Nanlalaki sa pananabik ang mapupulang mga mata ng bata na paulit-ulit pinipihit ang susi ng music box na yari sa kahoy na may nakaukit na bulaklak at gold plated na pangalan na "Agatha" sa gitna. Walang sawa niyang pinapakinggan ang tugtog nito tulad ng mga bulong ng kanyang paboritong manyikang si Agatha.
2. "'Nay naglaro kami ni Ate Nini sa ilalim ng kama kanina." Nalaglag ng ina ang hawak na siyanse sa sinabi ng tatlong taong gulang na anak dahil patay na ang anak niyang si Nini.
3. Naalimpungatan siya mula sa mahimbing na tulog dahil sa mainit na likidong pumatak sa mukha niya. Ngunit, iyun din ang malaki niyang pagkakamali pagkakita sa babaeng nasa kisame na pumapatak ang dugo.
4. Bintana ang nag-uugnay sa nakaraan at kasalukuyan ninyong dalawa. Sa bintana rin siya madalas sumilip ng alas tres ng madaling araw upang pagmasdan ka habang ika'y natutulog.
5. Simula nang lumipat siya sa bago niyang apartment ay naging balisa ang kanyang tulog na tila kinakapos palagi ang hininga at gumigising siyang nananakit ang mukha at leeg. Kaya naman pala, tuwing siya'y natutulog ay inuupuan siya sa mukha ng lalaking inaagnas ang katawan at diumano'y dating nakatira roon.
No comments:
Post a Comment