Wednesday, April 11, 2012

Pinoy Rock Legend (Para kay Karl Roy)




Pinoy Rock Legend

pumulandit ang liwanag ng buwan
sa lumuluhang kalangitan

katuwang ang kislap ng mga nagbabagang bituin
na panakanakang humihiwa
sa kadiliman at kawalan
kaulayaw ang hangin
na walang patumanggang
humahawi sa mga ulap
na pilit nitong tinatakasan

No comments:

Post a Comment

Followers