Tuesday, April 10, 2012

Thursday Love Affair


Nang magsabog ng kaguwapuhan si Lord sa mundo ay ibinuhos Niya yata iyon sa araw ng Huwebes. Bakit ko nasabi ito? E kasi tuwing Huwebes, kapag pumapasok ako sa opisina o maski sa pag-uwi ko ng bahay, lampas sa sampung daliri ang mga nakikita kong guwapo sa dyip, MRT o kaya'y sa bus, mall at sa kung saan-saan pa. Naglipana ang mga nagga-guwapuhang nilalang sa hindi malamang dahilan. Samantalang kapag hindi naman araw ng Huwebes, nakapagtatakang halos wala akong makitang guwapo sa paligid.


Photo credits: http://www.123rf.com/photo_10788746_3d-business-man-holding-a-red-question-mark-in-his-hand--isolated.html
Sila ba ay nagkasabay-sabay ng iskedyul sa paglabas sa mga lungga nila? O tuwing Huwebes lang alerto ang mga mata ko? Ewan ko rin kung ano ang sagot sa katanungan ko pero isa lang ang masasabi ko, maraming biyaya ng Langit sa paligid tuwing Huwebes. :D

Kapag sinabi ko nga palang guwapo, hindi lang basta may magandang mukha at pangangatawan, meron ding aura ng astig na personalidad at sex appeal ang tinutukoy ko. Sila 'yung klase ng kaguwapuhan na maski kapwa ko pasaherong babae at bading e tinatapunan sila ng malalagkit na tingin na akala mo'y gusto nang hubaran. Ganyang klase ang mga nakikita ko. Iba't ibang hugis ng mukha, tangkad, built ng katawan, kulay ng balat. Basta pogi o guwapo sila, period.

Palibhasa'y medyo sawa na rin ang mga mata ko sa guwapo kanonood ng TV, hindi na ako apektado sa bunton ng mga naglipanang guwapo sa paligid ko. Pero nitong mga nagdaang buwan,  mayroong dalawa sa kanila ang talagang nakatawag-pansin sa akin. Kakaiba kasi ang dating nila. Parang may magnet na humihila sa akin para lihim silang pagmasdan. Ang nakakatawa lang, parang binibiro ako ng pagkakataon. Kapag nagkakataon kasi na tinitingnan ko sila, e napapatingin din sila sa akin. Buti na lang at mga hindi sila suplado kasi nginingitian naman nila ako kaya pati ako, ngumingiti rin imbes na mamula ang mukha sa hiya.

Eto nga pala ang profile ng dalawa kong crush (tawagin natin silang Mr. Pogi 1 and 2): Si Mr. Pogi 1, mukhang Filipino-Japanese (chinito, maputi, matangos ang ilong, hindi katangkaran pero siguro umabot sa 5'7" ang height, mapula ang mga labi, hanggang batok ang tuwid niyang buhok at bahagyang nalalaglag sa mukha ang kalat-kalat niyang bangs); at si Mr. Pogi 2 naman, mukhang rakista (kalbo, may goatee, hikaw sa kanang tenga, moreno, naka-pantalong maong palagi at t-shirt na humahakab sa medyo chubby niyang pangangatawan).

Siyangapala, si Mr. Pogi 2 ang mas madalas kong nakikita at nakakasakay sa dyip tuwing Huwebes ng umaga kesa kay Mr. Pogi 1.  Ang nakakatawa lang, kapag nakikita ko siya, pakiramdam ko'y safe akong matulog sa dyip kasi nasa paligid lang siya. Ha-ha-ha!

Oo na. Halatang kinikilig ako. Nakakatuwa kasi sila. Pero hindi ibig sabihin na lalampas ako sa limitasyon ko at talagang i-stalk sila ng dahil lang crush ko sila.After all,dalagang-Pilipina pa rin ako. Kaya kung tatanungin sa akin kung ano ang mga pangalan nila, hindi ko alam.

It's an instant love affair for me every Thursday. Though  it swiftly ends after reaching my destination,  just seeing at least one of these two men  flashing their sincere boyish smiles while staring back at me  with a hint of recognition on their faces, strangely assured me of a stress-free day at work.

My brief encounters with them never fail to paint a silly smile on my face and made my jeepney ride a little exciting and something to look forward to. 

Ano naman ngayon kung sinusuwerte akong makakita ng guwapo tuwing Huwebes at kinailangan ko pang isulat ang tungkol doon? E, wala naman. Nagtataka lang kasi ako kung bakit nga ganoon ang nakikita ko sa paligid kada-Huwebes. Kaya bago maubos ang mga guwapo, este, mabura sa memorya ko ang obserbasyong ito, isinulat ko na lang para kapag nalulungkot ako at binasa ko itong blog entry kong ito, at least e mapapangiti ako. Pampalipas oras at pantanggal stress, ika nga.

Sabaw lang. :D

No comments:

Post a Comment

Followers