Manipis na ang buhok sa tuktok ng ulo ng tatay ko. Katunayan, may airport landing na siya sa ulo kaya mukha na siyang prayle. Mataas na rin ang kanyang hairline kaya halata na ang malapad at makintab niyang noo. Malaki na rin ang kanyang tiyan na parang kay Santa Claus. At higit sa lahat, mabagal na ring kumilos ang Tatay ko. Hindi tulad noon na isinasama niya pa kaming umakyat tuwing Sabado sa maliliit na bundok sa Benguet noong nakatira pa kami roon.