Nakakatuwa. Tinulungan ako ng webmaster namin sa office na lagyan ng dagdag na widget itong blog ko.
Ang pinili kong ilagay na widget ay ang NOAH Project ng PAGASA-DOST. Astig kasi e. Malalaman kaagad ninuman ang lagay ng panahon sa araw-araw. Kailangan lang bisitahin ang website na ito– <http://noah.dost.gov.ph/>.
Mukhang accurate naman kasi tulad kanina, inaalam ko ng lagay ng panahon kasi balak kong mag-jogging ngayon, sinabi ng NOAH na maaraw ngayong araw na ito pero mamaya o sa loob ng dalawang oras, posibleng umulan daw. Tamang-tama nga naman. Pagsilip ko sa labas ng bintana, maaraw.
Tsaka ang cute ng application na ito ng PAGASA-DOST. Mukhang popcorn ang icons na araw na naka-reflect sa mapa ng Pilipinas para ipahiwatig na maganda ang lagay ng panahon ngayon.
Sayang, maganda nga ang panahon kaso, di naman ako makakatakbo. Ang hirap talagang maging babae. Pag binisita ng mapulang buwan, madaming nararamdaman kakaiba sa katawan. Di bale, maglalakad na lang ako mamaya.
Pero magdadala pa rin ako ng maliit na payong. Sabi kasi ni NOAH, sa loob ng dalawang oras, posibleng bumuhos ang ulan.
No comments:
Post a Comment