kanina, hinahabol ko ang mga ulap
ngayong gabi, inaakit ako ng buwan
hinahalina ang aking mga mata
tungo sa singsing ng ulap na
panandaliang
pumalibot sa kanyang kariktan
ngayong gabi, inaakit ako ng buwan
hinahalina ang aking mga mata
tungo sa singsing ng ulap na
panandaliang
pumalibot sa kanyang kariktan
kasabay ng ihip ng hanging naglalambing,
nangilid ang luha sa sulok ng mga mata
pagtama ng iyong liwanag sa aking mga pisngi
nangilid ang luha sa sulok ng mga mata
pagtama ng iyong liwanag sa aking mga pisngi
tumingala akong nagmumuni-muni
at ibinulong sa kawalan
ang mapaglarong katanungan:
at ibinulong sa kawalan
ang mapaglarong katanungan:
kung sa gitna ng madilim na kalawakang
napapalamutian ng mga diamanteng kumikinang
iisang langit din ba ang ating tinitingnan?
napapalamutian ng mga diamanteng kumikinang
iisang langit din ba ang ating tinitingnan?
No comments:
Post a Comment