Taong 2004 ako unang nakarating ng Sagada, Mt. Province. Noong mga panahong iyon, sabik ako sa ganoong klase ng adventure trip kasi iyon ang mga panahon na hindi ko na kailangang humingi sa mga magulang ko ng panggastos kasi kumikita na ako ng pera mula sa trabaho ko.
Thursday, April 26, 2012
Tuesday, April 24, 2012
Deodorant: Kontra-biyahilo
Para akong pasikwat (uppercut) na sinuntok sa pagkahilo matapos kong maamoy ang umaalingasaw na kilikili ng katabi kong babae sa dyip. Amoy bulok na sibuyas at paminta ang kilikili niya. Pasensiya na pero talagang nahilo ako at na-inspire tuloy akong isulat dito sa blog ko ang karanasan ko kani-kanina lamang bago ko makalimutan ang 'pamatay' niyang 'sikreto' na talaga nga namang kahit hindi niya ipagkalat ay kusang aalingasaw ang amoy.
Saturday, April 21, 2012
Sabaw na Komiks
Sinubukan ko dati na sumulat ng kuwentong pang-komiks. Iyung kuwento, pang-Liwayway Magazine ang daloy. Sabaw ang utak ko noong sinulat ko ito 7 years ago kaya kakaiba ang kinalabasan. Basta ang sigurado ko lang, hindi ito pang-Graphic Novel. Wala pa akong kakayahang gumawa ng gano'n. Pag-aaralan ko pa ng husto. Sampung sakong bigas pa siguro ang dapat kong kainin bago ako makagawa ng Graphic Novel a la Neil Gaiman, ang paborito kong awtor ng Sandman series. Sa ngayon, eto ang kinalabasan ng sinulat kong kuwentong pang-komiks. :D
Tuesday, April 17, 2012
Kemerloo: our resident cat
Kinutuban ako na lalaki nga talaga 'yung pusa ng kapitbahay namin. At balak pa nga yata niyang buntisin si Kemerloo, ang aming resident cat na sa totoo lang e hindi talaga namin opisyal na pagmamay-ari at naki-iskwat lang sa bakuran namin. At ang diyaskeng pusa, malandi! May mga oras na hindi ako pinatulog kasi nakipaghabulan sa bubong at panay ang ungol at ngiyaw na parang nasasarapan habang ginagahasa ng kung sinong pusa.
Labels:
buntis na pusa,
cat,
Kemerloo,
pet,
pusa,
pusakal,
resident cat
Wednesday, April 11, 2012
Amapola sa 65 na Kabanata: the movie?
Katatapos ko lang basahin noong nakaraang Semana Santa ang Amapola sa 65 na Kabanata, nobelang akda ng batikang manunulat na at idol kong si Ricky Lee. Simula yata noong binuklat ko ang mga pahina nito ay halos hindi ko na ito tinantanan. Kahit nga madalas ay marami akong ginagawa sa bahay namin o sa opisina, tuwing may pagkakataon ako (halimbawa—habang nakasakay sa MRT, nagpi-prito ng ulam, kapag commercial break ng mga pinapanood kong palabas sa TV o jumejebs) sinisingit kong basahin ang bawat kabanata nito. Ang husay kasi ng pagkakasulat at talagang nag-enjoy ako! :D
Wala akong DSLR
Sikat na sikat ang DSLR ngayon. Pero dahil mahal ang presyo nito, hindi ako nahihikayat bumili. Gusto ko sana kaso, hindi kaya ng bulsa ko kasi may mga iba pa akong pinagkakagastusan tulad ng damit, travel, atbp. Kaya sa ngayon, wala muna iyon sa mga priyoridad ko sa buhay. :-D
Magical Coron
My memories of our visit to the island paradise of Coron, Palawan in April 2011 was still as vivid as the clear blue sky. I can still remember every detail of that travel from the giant cross in Mt. Tapyas, the salty taste of the sea; brackish water of the Barracuda Lake and Twin Lagoon; the hidden white sand beach of Banol (which for me is way better than white sand beach of Boracay); Maquinit Hot Spring, treacherous waves of Siete Pecados, timeless beauty of the Kayangan Lake; to the vague exploration of the Skeleton Wreck, a snorkeling destination where one can see the sunken ship of the Japanese soldiers during World War II, and a whole lot more.
HHWW (Holding hands while walking)
Nginingitian ko at binabati ng 'magandang umaga' ang pinakapaborito kong mag-asawang matanda na palagi kong nakakasalubong sa dinaraanan ko tuwing naglalakad ako papasok ng opisina. Magkasalikop ang kanilang mga palad. Kapit na kapit ang inuugat nilang mga kamay sa isa't isa na animo'y may lihim silang kasunduan na walang bibitiw sa kanilang dalawa sa hirap man o sa ginhawa, tamaan man sila ng rayuma o hindi o kahit manlambot na ang kanilang mga tuhod sa paglalakad.
Misyon: Akyatin ang Mt. Pulag
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipinta sa utak ko na darating ang oras at muli ko na namang masusubukan ang tatag ng baga, tuhod, kalamnan at mga buto-buto ko sa napipintong pag-akyat namin ng mga barkada ko, dalawang buwan mula ngayon, sa Mt. Pulag.
Pinoy Rock Legend (Para kay Karl Roy)
Pinoy Rock Legend
pumulandit ang liwanag ng buwan
sa lumuluhang kalangitan
sa lumuluhang kalangitan
Sa isang iglap...
Kamakailan lang habang naglilinis ako ng kuwarto ko, nakita ko ang aking lumang photo album. Napapangiti ako sa bawat buklat ko ng mga pahina nito. Bahagyang naninilaw na ang mga litratong nakadikit doon. Lampas isang dekada na kasi ang mga ito. Tahimik akong nagpasalamat sa hangin kasabay ng pagkipkip ko nito sa aking dibdib. Piling-pili lang ang mga litratong nakadikit doon na karamihan ay larawan ng mga naging kaibigan ko noong nasa kolehiyo palang ako. Kung tutuusin, kakaunti lang ang mga naroroon pero sapat na ang mga iyon para malaman ng mga makakakita kung gaano kakulay ang buhay-kolehiyo ko.
My 'Single' dilemma (Part 2)
Sabi nga nila, nakararanas din ng dilemma ang mga single na katulad ko. Humahaba ang listahan ng mga iyon sa aking isipan habang tinitingnan kanina ang pictures ng mga kaibigan ko sa Facebook. Agad kong naisip na napag-iiwanan na pala ako. Kung kelan 31 years old na ako at malapit na ang Araw ng mga Puso, tsaka pa ako nawalan ng boyfriend.
My Valentine Dilemma
Matagal na pala akong hindi nakapagsusulat ng entry dito sa blog ko. Hindi dahil hindi ako brokenhearted o emo kaya kinalimutan ko na ang blog. Talaga lang yatang nakatakdang maging busy ako ngayong taong ito. Tila noong nagpasabog ng trabaho ang Diyos ngayong taong ito, e sinalo ko lahat. :D
My 'Single' dilemma (Part 1)
Wala naman talaga akong matinding dilemma sa buhay ko ngayon. Sa katunayan, kasalukuyan akong stress-free kasi, single ako ngayon. Tama. Sa edad na 31, single pa ako. Nakailang relasyon na rin pero palaging palpak. Naranasan ko na ring magkaroon ng unrequited love at beterena na rin ako sa pagiging brokenhearted. Kung hanggang kailan magiging ganito kamalas ang lovelife ko, e hindi ko alam. Panahon na lang ang makakapagsabi kung makakapag-asawa pa ako o hindi.
Madam Nora and the Lonely Planet :)
Kami: Sa UP po.
Madam Nora: Aba'y UP pala. Pero daig ko kayo, mga anak. Sa UD ako gradweyt.
Kami: UD po?? Ano po 'yun? University of Dumaguete?
Madam Nora: Mali! Sa University of Divisoria!
Payback Time ni Inang Kalikasan
Ang hangin ay unti-unting dumadapyo sa mukha
Humahaplos sa balat, dala ang halimuyak ng
mga puno't mga bulaklak...
Humahaplos sa balat, dala ang halimuyak ng
mga puno't mga bulaklak...
Takot ka ba sa sore eyes?
Naging factory yata ng muta ang kaliwang mata ko kaninang madaling araw. Pakiramdam ko'y puro buhangin ito kaya hirap akong magmulat. Makirot. Di ko malaman kung paanong punas ang gagawin ko para mawala ang mga muta ng hindi masusugatan ang mata ko. Nakakadiri pero dahil sarili ko naman itong muta, wala akong magagawa kundi punasan ito.
Trip to Manghuhula
Pagpasok palang ng Disyembre, pinag-uusapan na namin ni Liv (dati kong classmate at housemate noong College) na pupunta kami sa Quiapo para magpahula. Gusto kasi niyang magpahula bago man lang daw siya mag-treinta anyos. Ako naman, trip-trip lang pero nasa boundary na rin ng matinding kuryosidad.
Isang oras na Catatonia
♥ Posted by me on April 23, 2009 at 4:30pm
Pinagmamasdan ko ang keyboard ng pc namin. Naisip ko lang, ano kaya kung may telekinesis ako? Subukan ko kayang pagtipahin ng kanya ang keyboard namin? Pinokus ko ulit ang aking paningin sa itim na keyboard. Tinitigan ko ito ng husto. 'Yung tipong naka-glue dito ang mga mata ko at paulit-ulit na dinidikta sa utak ko na "mag-type ka!"
Tuesday, April 10, 2012
Thursday Love Affair
Nang magsabog ng kaguwapuhan si Lord sa mundo ay ibinuhos Niya yata iyon sa araw ng Huwebes. Bakit ko nasabi ito? E kasi tuwing Huwebes, kapag pumapasok ako sa opisina o maski sa pag-uwi ko ng bahay, lampas sa sampung daliri ang mga nakikita kong guwapo sa dyip, MRT o kaya'y sa bus, mall at sa kung saan-saan pa. Naglipana ang mga nagga-guwapuhang nilalang sa hindi malamang dahilan. Samantalang kapag hindi naman araw ng Huwebes, nakapagtatakang halos wala akong makitang guwapo sa paligid.
Subscribe to:
Posts (Atom)