Wednesday, April 11, 2012

Wala akong DSLR


Sikat na sikat ang DSLR ngayon. Pero dahil mahal ang presyo nito, hindi ako nahihikayat bumili. Gusto ko sana kaso, hindi kaya ng bulsa ko kasi may mga iba pa akong pinagkakagastusan tulad ng damit, travel, atbp. Kaya sa ngayon, wala muna iyon sa mga priyoridad ko sa buhay. :-D

Pero, in fairness naman, okay naman kumuha ng litrato gamit ang cellphone at point-and-shoot camera e. Nasa paga-anggulo lang naman 'yun. Kaya iyon muna ang ginagamit kong pampraktis. Malay natin, baka makaipon ako bigla ng pambili ng DSLR, e di at least, praktisado na ako sa pagkuha ng mga litrato.

Ang fascination ko ngayon e mga ulap. Mistula kasing iginuhit ng batikang pintor ang hugis ng mga ulap. May hugis aso, dinosaur, dragon, bulak, feathers, at kung ano-ano pang hugis na napakagandang pagmasdan.

Gusto ko lang ibahagi ang ilan sa mga larawan ng ulap na kinuhanan ko gamit ang luma kong cellphone (Nokia 6600--R.I.P.) at ang napaglumaan naming point-and-shoot camera. Walang bahid ng editing ito mula sa Adobe Photoshop kaya pasensiya na kung hindi ganoon kalinaw ang ibang mga kuha. May bonus pang dalawang bulaklak. He-he. :)











No comments:

Post a Comment

Followers