Saturday, December 29, 2012

Iba't Ibang Anyo ng "End of the World"


End of the World na raw noong ika-21 ng Disyembre. Na naman? Pang-ilang
Photo credit: http://www.123rf.com/photo_16436832_man-is-waiting-for-end-of-the-world.html
beses na itong ibinabalita pero laging epic fail o palyado, ika nga. Hindi natutuloy. Pero ayos lang. Ayoko rin namang matapos ang pag-inog ng mundo kasi marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Sa tingin ko, ang katapusan ng mundo ay parang kadiliman na kusa na lang darating, babalutin ang kapaligiran bago pa kumurap ang ating mga mata.

Thursday, November 29, 2012

Hiraya sa Bulan


kanina, hinahabol ko ang mga ulap
ngayong gabi, inaakit ako ng buwan

hinahalina ang aking mga mata
tungo sa singsing ng ulap na
panandaliang
pumalibot sa kanyang kariktan

Sunday, October 21, 2012

Judo experience


Noong nasa kolehiyo pa ako, parang agawan-base lang ang pagkuha ng P.E. (Physical Education) subjects sa unibersidad namin. Kelangan pa man din ng apat na P.E. ang bawat estudyante kada-semestre para maka-gradweyt kaya hindi na ako nagtataka kung bakit wagas ang pila sa pagkuha nito lalo na noong hindi pa uso ang Computerized Registration System o  CRS.

Thursday, October 11, 2012

Aishiteru, One OK Rock!


Photo credit: http://childrenofnowhere.blogspot.com/2011/04/one-ok-rock.html

I have just learned about this awesome Japanese rock band a few weeks ago and since then, I have never stopped listening to their songs. I was simply blown away by One OK Rock’s music. Their songs never fail to send shivers down my spine and make me want to head-bang until all the nerves in my neck burst into pieces. In fact, I could listen to their songs all day and will never get tired of it. Aside from that, their songs are the only ones I could listen to while writing my work-related articles.  I don’t know what they did to me but, dang! I love One OK Rock! I think they are one of the best bands I know in this generation. They’re not auto-tuned! Thank God! \m/

MRT moment


Alam mo 'yung pakiramdam na may nakita kang "crushable" sa MRT  tapos gusto mong piktyuran kasi nakyutan ka talaga? Ganoon ang nangyari sa akin kagabi nang makita kita.

Thursday, October 04, 2012

Junk the Cybercrime Law!


At muling lumambong ang mga abuhing ulap sa Silangan
Nagbabadya ng unos sa bawat daraanan
Walang ligtas ang sinumang magtatangkang salagin
Ang bagsik ng mga buntis na ulap
Handang balutin ng kadiliman ang kapaligiran
Na sa pagkurap ng mga mata ay manganganak ng luha
At lulunurin ang buong kalupaan

Thursday, September 20, 2012

Majestic Bantakay Falls



Putik. Makapal, malagkit at madulas na putik. Iyan daw ang sasagupain namin paakyat sa Bantakay Falls sa Atimonan, Quezon. Ilang araw na raw kasing umuulan sa Atimonan. Siyempre, medyo kinabahan ako pero naroroon pa rin ang matinding pagkasabik kasi mukha itong nakatagong paraiso batay na rin sa mga nakita kong larawan ng Bantakay na pinost ng mga blogger.

Thursday, September 13, 2012

Bahid



Photo credit: http://www.facebook.com/prorhbill

Bahid

Mabigat ang mga hakbang ni Maureen habang naglalakad sa gilid ng Quiapo Church. Kasing bigat nito ang pakay n’ya sa lugar na ‘yun. Pinagpapawisan s’ya ng malamig mula ulo hanggang paa. Paiwas ang tingin n’ya sa mga tao. Parang isang pipitsuging mandurukot na takot mabisto sa kanyang masamang gawain.
Balak n’yang pumasok sa simbahan saglit para magdasal pero hindi n’ya tinuloy. Sa pintuan palang, para s’yang napaso lalo na nang tingnan n’ya ang mga rebulto ng mga santo. Pakiramdam n’ya kinakastigo s’ya ng mga rebulto kada titig n’ya sa mga mata nito.

Thursday, September 06, 2012

Ironiya ng Suicide sa istasyon sa LRT: Sablay na lab istori


Huwebes, alas siete ng umaga, ika-30 ng Agosto, tulad ng mga ordinaryong araw sa buhay ko, sumakay ako ng dyip papuntang MRT Taft Station para mabilis makarating sa opisina.

Sunday, August 26, 2012

Salamat, Sec. Jesse Robredo


Photo Credit: http://www.balita.net.ph/2012/08/si-pogi/

Dear DILG Sec. Jesse Robredo,

Una sa lahat, maraming salamat po sa mahahalagang kontribusyon ninyo sa bayan. Dahil sa matuwid ninyong pamamalakad bilang DILG secretary, sa inyong dedikasyon bilang opisyal ng pamahalaan at higit sa lahat sa inyong kahanga-hangang leadership, lumakas ang pananampalataya ko na may pag-asa pa talagang bumuti ang kalagayan ng Pilipinas.

Monday, July 23, 2012

Alamat ng Bantakay Falls: Unedited Version (imbento ko lang. hehe)


Photo credit: http://www.pinoymountaineer.com/2009/07/mt-pinagbanderahan-bantakay-falls-and.html
Noong unang panahon, tinamaan ng matinding tagtuyot ang bayan ng Atimonan, Quezon.Ilang buwang hindi pumatak ang ulan at lubhang matindi ang sikat ng araw. Katunayan, maaari nang magprito ng itlog sa batuhan sa tindi ng alinsangan ng paligid.

Thursday, July 12, 2012

PAGASA-DOST’s NOAH Project


Nakakatuwa. Tinulungan ako ng webmaster namin sa office na lagyan ng dagdag na widget itong blog ko.

Friday, June 29, 2012

Babaeng Torpedo


Photo credit: http://simplybroken.tumblr.com
Aaminin ko, isa akong torpedo. At oo, babae po ako.

Wednesday, June 20, 2012

Binatog


Dalawang taon na akong hindi nakakakain ng binatog. Kasing tagal ng panahon na wala akong karelasyon.

Tuesday, June 12, 2012

Ang Tatay kong Kalbo...pero pogi pa rin


Manipis na ang buhok sa tuktok ng ulo ng tatay ko.  Katunayan, may airport landing na siya sa ulo kaya mukha na siyang prayle. Mataas na rin ang kanyang hairline kaya halata na ang malapad at makintab niyang noo. Malaki na rin ang kanyang tiyan na parang kay Santa Claus. At higit sa lahat, mabagal na ring kumilos ang Tatay ko. Hindi tulad noon na isinasama niya pa kaming umakyat tuwing Sabado sa maliliit na bundok sa Benguet noong nakatira pa kami roon.

Friday, June 01, 2012

Why I think CJ Corona deserves the 'Guilty' verdict: Aftermath of the Impeachment Trial


Excuse me for ranting again. Actually, it's more of giving my own insight on the aftermath of the CJ Corona Impeachment Trial. It's becoming a habit nowadays with all this political turmoil in our country.

Tuesday, May 29, 2012

Rosas at Ice cream


Photo credits: http://www.rose-bushes.com/pages/pruning-your-rose-bushes/
Parang guwantes sa kapal ang malagkit na putik sa mga kamay mo. Katatapos mo lang magbungkal ng lupa kaninang alas-otso ng umaga. Nagtanim ng mga rosas sa paso. Iyong mga rosas na malago ang dahon at buong tangkay ang may tinik pero may mga pabukadkad palang na mga bulaklak. Kapansin-pansin din ang mga maliliit na galos sa palad mo sanhi ng mga tinik ng rosas na itinanim mo.

Sunday, May 20, 2012

Reading list


I am planning to read at least 12 books this year.  One book per month if time will allow it. To some people, it will only take a week or so to finish reading 12 books. But with my hectic schedule, I doubt if I will be able to accomplish at least one novel in one month. Quite impossible, really. :)

Friday, May 18, 2012

I survived Mt. Pulag!


Hingal-kabayo man, narating ko rin ang Mt. Pulag Summit! 

Hindi naging hadlang ang ulan, madulas at mabatong daan paakyat sa Campsite, pagod, antok, pagkauhaw, gutom o ng mabigat kong timbang na mas mabigat pa sa sako ng bigas, at kawalan ko ng pisikal na preparasyon para marating ang tutok ng bundok na ni sa hinagap ay hindi ko inakalang makakaya ko palang akyatin! Astig! Pwede na akong kunin ni Lord....JOKE LANG! Ehehe. Knock on wood! Masaya lang talaga ako at narating ko ang tuktok ng Mt. Pulag. :D

Thursday, April 26, 2012

Addicted to Sagada, Mt. Province


Taong 2004 ako unang nakarating ng Sagada, Mt. Province. Noong mga panahong iyon, sabik ako sa ganoong klase ng adventure trip kasi iyon ang mga panahon na hindi ko na kailangang humingi sa mga magulang ko ng panggastos kasi kumikita na ako ng pera mula sa trabaho ko.

Tuesday, April 24, 2012

Deodorant: Kontra-biyahilo


Photo credit: http://www.marketmanila.com/archives/guinamos-sibuyas-at-latundanlagtikan
Para akong pasikwat (uppercut) na sinuntok sa pagkahilo matapos kong maamoy ang umaalingasaw na kilikili ng katabi kong babae sa dyip. Amoy bulok na sibuyas at paminta ang kilikili niya. Pasensiya na pero talagang nahilo ako at na-inspire tuloy akong isulat dito sa blog ko ang karanasan ko kani-kanina lamang bago ko makalimutan ang 'pamatay' niyang 'sikreto' na talaga nga namang kahit hindi niya ipagkalat ay kusang aalingasaw ang amoy.

Saturday, April 21, 2012

Sabaw na Komiks


Sinubukan ko dati na sumulat ng kuwentong pang-komiks. Iyung kuwento, pang-Liwayway Magazine ang daloy. Sabaw ang utak ko noong sinulat ko ito 7 years ago kaya kakaiba ang kinalabasan. Basta ang sigurado ko lang, hindi ito pang-Graphic Novel. Wala pa akong kakayahang gumawa ng gano'n. Pag-aaralan ko pa ng husto. Sampung sakong bigas pa siguro ang dapat kong kainin bago ako makagawa ng Graphic Novel a la Neil Gaiman, ang paborito kong awtor ng Sandman series. Sa ngayon, eto ang kinalabasan ng sinulat kong kuwentong pang-komiks. :D

Tuesday, April 17, 2012

Kemerloo: our resident cat


Kinutuban ako na lalaki nga talaga 'yung pusa ng kapitbahay namin. At balak pa nga yata niyang buntisin si Kemerloo, ang aming resident cat na sa totoo lang e hindi talaga namin opisyal na pagmamay-ari  at naki-iskwat lang sa bakuran namin. At ang diyaskeng pusa, malandi! May mga oras na hindi ako pinatulog kasi nakipaghabulan sa bubong at panay ang ungol at ngiyaw na parang nasasarapan habang ginagahasa ng kung sinong pusa.

Wednesday, April 11, 2012

Amapola sa 65 na Kabanata: the movie?


Photo credit: http://www.interaksyon.com/
article/18143/manananggals-ka-andres-time-travel-gay-love-in
-ricky-lees-second-novel
Katatapos ko lang basahin  noong nakaraang Semana Santa ang Amapola sa 65 na Kabanata, nobelang akda ng batikang manunulat na at idol kong  si Ricky Lee. Simula yata noong binuklat ko ang mga pahina nito ay halos hindi ko na ito tinantanan. Kahit nga madalas ay marami akong ginagawa sa bahay namin o sa opisina, tuwing may pagkakataon ako (halimbawa—habang nakasakay sa MRT, nagpi-prito ng ulam, kapag commercial break ng mga pinapanood kong palabas sa  TV o jumejebs) sinisingit kong basahin ang bawat kabanata nito. Ang husay kasi ng pagkakasulat at talagang nag-enjoy  ako! :D

Wala akong DSLR


Sikat na sikat ang DSLR ngayon. Pero dahil mahal ang presyo nito, hindi ako nahihikayat bumili. Gusto ko sana kaso, hindi kaya ng bulsa ko kasi may mga iba pa akong pinagkakagastusan tulad ng damit, travel, atbp. Kaya sa ngayon, wala muna iyon sa mga priyoridad ko sa buhay. :-D

Magical Coron


Photo credits: http://members.virtualtourist.com/m/p/m/1dbcd1/

My memories of our visit to the island paradise of Coron, Palawan in April 2011 was still as vivid as the clear blue sky. I can still remember every detail of that travel from the giant cross  in Mt. Tapyas, the  salty taste of the sea; brackish water of the Barracuda Lake and Twin Lagoon; the hidden white sand beach of Banol (which for me is way better than white sand beach of Boracay); Maquinit Hot Spring, treacherous waves of Siete Pecados, timeless beauty of the Kayangan Lake; to the vague exploration of the Skeleton Wreck, a snorkeling destination where one can see the sunken ship of the Japanese soldiers during World War II, and a whole lot more.

HHWW (Holding hands while walking)


Photo credits: http://www.customasapblog.com/what-is-the-perfect-gift-for-grandparents
Nginingitian ko at binabati ng 'magandang umaga' ang pinakapaborito kong mag-asawang matanda na palagi kong nakakasalubong sa dinaraanan ko tuwing naglalakad ako papasok ng opisina. Magkasalikop ang kanilang mga palad. Kapit na kapit ang  inuugat nilang mga kamay sa isa't isa na animo'y may lihim silang kasunduan na walang bibitiw sa kanilang dalawa sa hirap man o sa ginhawa, tamaan man sila ng rayuma o hindi o kahit manlambot na ang kanilang mga tuhod sa paglalakad.

Misyon: Akyatin ang Mt. Pulag


Photo Credits: http://asias-world.com/en/national-parks/mt-pulag-national-park/index.cfm
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipinta sa utak ko na darating ang oras at muli ko na namang masusubukan ang tatag ng baga, tuhod, kalamnan at mga buto-buto ko sa napipintong pag-akyat namin ng mga barkada ko, dalawang buwan mula ngayon, sa Mt. Pulag.

Pinoy Rock Legend (Para kay Karl Roy)




Pinoy Rock Legend

pumulandit ang liwanag ng buwan
sa lumuluhang kalangitan

Sa isang iglap...


Kamakailan lang habang naglilinis ako ng kuwarto ko, nakita ko ang aking lumang photo album. Napapangiti ako sa bawat buklat ko ng mga pahina nito. Bahagyang naninilaw na ang mga litratong nakadikit doon. Lampas isang dekada na kasi ang mga ito. Tahimik akong nagpasalamat sa hangin kasabay ng pagkipkip ko nito sa aking dibdib. Piling-pili lang ang mga litratong nakadikit doon na karamihan ay larawan ng mga naging kaibigan ko noong nasa kolehiyo palang ako. Kung tutuusin, kakaunti lang ang mga naroroon pero sapat na ang mga iyon para malaman ng mga makakakita kung gaano kakulay ang buhay-kolehiyo ko.

My 'Single' dilemma (Part 2)


Sabi nga nila, nakararanas din ng dilemma ang mga single na katulad ko. Humahaba ang listahan ng mga iyon sa aking isipan habang tinitingnan kanina ang pictures ng mga kaibigan ko sa Facebook. Agad kong naisip na napag-iiwanan na pala ako. Kung kelan 31 years old na ako at malapit na ang Araw ng mga Puso, tsaka pa ako nawalan ng boyfriend.

My Valentine Dilemma


Matagal na pala akong hindi nakapagsusulat ng entry dito sa blog ko. Hindi dahil hindi ako brokenhearted o emo kaya kinalimutan ko na ang blog. Talaga lang yatang nakatakdang maging busy ako ngayong taong ito. Tila noong nagpasabog  ng trabaho ang Diyos ngayong taong ito, e sinalo ko lahat. :D

My 'Single' dilemma (Part 1)


Wala naman talaga akong matinding dilemma sa buhay ko ngayon. Sa katunayan, kasalukuyan akong stress-free kasi, single ako ngayon. Tama. Sa edad na 31,  single pa ako. Nakailang relasyon na rin pero palaging palpak. Naranasan ko na ring magkaroon ng unrequited love at beterena na rin ako sa pagiging brokenhearted. Kung hanggang kailan magiging ganito kamalas ang lovelife ko, e hindi ko alam. Panahon na lang ang makakapagsabi kung makakapag-asawa pa ako o hindi.

Madam Nora and the Lonely Planet :)


Madam Nora: Saan  nga kayo gradweyt, mga iho, iha?
Kami: Sa UP po.
Madam Nora: Aba'y UP pala. Pero daig ko kayo, mga anak. Sa UD ako gradweyt.
Kami: UD po?? Ano po 'yun? University of Dumaguete?
Madam Nora: Mali! Sa University of Divisoria!

Payback Time ni Inang Kalikasan



Ang hangin ay unti-unting dumadapyo sa mukha
Humahaplos sa balat, dala ang halimuyak ng
mga puno't mga bulaklak...

Takot ka ba sa sore eyes?


Naging factory yata ng muta ang kaliwang mata ko kaninang madaling araw. Pakiramdam ko'y puro buhangin ito kaya hirap akong magmulat. Makirot. Di ko malaman kung paanong punas ang gagawin ko para mawala ang mga muta ng hindi masusugatan ang mata ko. Nakakadiri pero dahil sarili ko naman itong muta, wala akong magagawa kundi punasan ito.

Trip to Manghuhula


Pagpasok palang ng Disyembre, pinag-uusapan na namin ni Liv (dati kong classmate at housemate noong College) na pupunta kami sa Quiapo para magpahula. Gusto kasi niyang magpahula bago man lang  daw siya mag-treinta anyos. Ako naman, trip-trip lang pero nasa boundary na rin ng matinding kuryosidad.

Isang oras na Catatonia


♥ Posted by me on April 23, 2009 at 4:30pm

Pinagmamasdan ko ang keyboard ng pc namin. Naisip ko lang, ano kaya kung may telekinesis ako? Subukan ko kayang pagtipahin ng kanya ang keyboard namin? Pinokus ko ulit ang aking paningin sa itim na keyboard. Tinitigan ko ito ng husto. 'Yung tipong naka-glue dito ang mga mata ko at paulit-ulit na dinidikta sa utak ko na "mag-type ka!"

Tuesday, April 10, 2012

Thursday Love Affair


Nang magsabog ng kaguwapuhan si Lord sa mundo ay ibinuhos Niya yata iyon sa araw ng Huwebes. Bakit ko nasabi ito? E kasi tuwing Huwebes, kapag pumapasok ako sa opisina o maski sa pag-uwi ko ng bahay, lampas sa sampung daliri ang mga nakikita kong guwapo sa dyip, MRT o kaya'y sa bus, mall at sa kung saan-saan pa. Naglipana ang mga nagga-guwapuhang nilalang sa hindi malamang dahilan. Samantalang kapag hindi naman araw ng Huwebes, nakapagtatakang halos wala akong makitang guwapo sa paligid.

Followers